Haaay....buhay!

ang weblog ng mga  walang magawa sa buhay

Blog


view:  full / summary

AKO AY ISANG DAKILANG TAMBAY/UNEMPLOYED

Posted by JC on May 26, 2013 at 3:45 AM Comments comments (44)



.....................to be cont.

haayy tambay

Posted by JC on December 22, 2012 at 8:40 PM Comments comments (103)


Nakakapagod ang magtrabaho, pero mas nkakapagod ang tumunganga at walang ginagawa....



Oo, maganda ang mag isip,pero nkakapagod din kapag nasosobrahan sa kakaisip ng mga kung anu anong mga bagay. Marami kasing problema ang nagsusulputan na sa simula hindi mo nmn naiisip.

 

Isipin mo….wala kang pera, o lets say konti lang ang pera mo, so hindi ka mkakagala at hindi mo mbibili ang gusto mo...no choice-- sa bahay o sa boarding house ka lng...wala kang pangload, walang tv,walang internet. Worst is mag isa ka lang.

 

 

Nag iisip ka ng gagawin...wala kang maisip

 

Nabasa mo na lahat ng libro...o tinatamad o hindi ka mahilig mag basa...nalinis mo na ang dapat mong linisin...matutulog ka pero hindi ka makatulog kasi wala ka nmng ibang gingaawa kundi matulog…@#(*)%! Buhay to! Naranasan mo na ba yan?

 

Yung hindi mo alam gagawin mo? Hinihintay o tinitignan mo lang ang oras na tumatakbo palayo sayo...iniiwanan ka

 

Bored to death..!

 

Aaminin ko minsan tamad ako, pero mas gusto kung may ginagawa ako…

 

Natural sa tao ang maging active kaya may trabaho...at kung hindi ka naman mag tatrabaho sabi nila mamamatay ka sa gutom.literally.

O kaya naman join the group ka sa kalye para mamalimos.

 

Ganitong ganito ang nararanasan ko ngayon...mas maganda ang may gingaawa o trabaho( kahit gano pa kaliit yan sa tingin ng iba) kasi kahit papano may pakinabang ka.

 

Maraming namimili ng trabaho ngayon...lalo na sa mga hindi sanay sa hirap

Kung mararanasan nila ang hirap cguro kahit pag rerepak ng uling o paglilinis ng kalsada papatusin para lang may makain.

 

Hinahangaan ko ang mga metro aids-na hindi alintana ang init at panganib sa kalye, mga vendors,manekyurista, labandera at iba pa, kasi nag sisikap sila...kesa sa mga taong tambay, pero malakas nmn ang pangagatawan...malusog, pero namamalimos...

 

Naisip ko nun, mabuti pa nung nag aaral ako kasi hindi ko pinuproblema kung san ako kukuha ng pera; hindi ko ramdam kung gano kahirap kitain o hanapin ang pera.

 

Ngayon, kelangan ako mismo ang mag hanap. Kumbaga halos patapos na ang responsibidad ng mga magulang mo sayo…bagong chapter na nam n ng buhay mo, lemelevel up parang games sa computer. kelangan mung laruin at mag gain ng experience para mag level up sa buhay.naks!

 

Madalas kung isipin kung anong gusto ko sa buhay, sa dami kung gusto,wala na kung maisip…

 

Mas maganda kung mag fofocus sa isang bagay...example gusto mong maging magaling sa frisbee...magpraktis ka aralin ang mga rules...praktis...praktis...praktis...focus.

 

O kaya naman gusto mong matutong mag photoshop...ganun lang din...go, praktis. Focus

Kapag distracted kasi ang isip konti lang ang nagagawa parang ganito "wala akong matapos dahil sa facebook"

 

Focus lang yan...pero bakit ang hirap gawin??

 

Hindi ka man magaling sa lahat ng bagay, atleast sa isang bagay magaling ka...may silbi ka.

 

Anyway, goodluck for both of us...kung ano man ang pangarap mo, sana wag kang mawalan ng pag asa. hawakan mo ng mahigpit na mahigpit...kahit na minsan parang bibitaw kana.

 


 

Oh Pablo! (super typhoon bopha)

Posted by JC on December 12, 2012 at 2:20 AM Comments comments (0)

Tuesday, December 04, 2012

9:24 AM

 

Quarter to 3 am, nagising ako sa ingay na gawa ng hampas ng hangin sa pader.

 

"ito na siguro si super typhoon pablo, akala ko 9 am pa sya darating"

 

Palakas ng palakas ang hampas ng hangin galing sa kaliwang bahagi ng bahay...mas naramdam ko ang lakas ng hangin dahil nasa second floor aq, bahay namn ng land lady nmin ang sa first floor pero walang tao.

 

 

Ako lang mag isa, hindi kasi pinayagang bumalik ang kaboardmate ko dahil sa balitang me bagyo.

 

Mayat maya binuksan ko ang bintana, tinitigna ko ang paligid: halos 45 degree angle nakayuko ang mga puno ng saging, ang iba knockdown na; Pasuray-suray ang mga ibang puno; halos na tutuklap na ang bubong ng ilang bahay naririnig ko rin ang ingay ng mga naghahampasang yero.

 

Nararamdaman ko na rin na gumagalaw ang bahay.

 

Pumasok na ang tubig-tumatagas galing sa bintanang nakasara. Pakiramdam ko rin anytime magigiba ang bahay kaya napadasal ako.

 

Pinipilit kong maging mahinahon.,kasi no choice naman ako,ako lang mag isa.

 

--oOo--

 

Hindi na ko nakabalik ng tulog dahil sa pag aalalang baka magunaw na ang mundo. Oo, ang OA lang, pero akala ko talaga nun katapusan na ng mundo, parang ayaw ng tumigil ng panahon, madilim na madilim pa. Mahina lang ang ulan pero superb ang hangin nito.

 

Binuksan ko ang ilaw. Alam ko marami ng gising...sino ba namang hindi magigising sa hampas ng hangin.

 

Nagsulat ako para mawala ng konti ang kaba ko. Pero natapos na lang akong mag sulat, hindi pa rin natatapos si pablo sa problema nya.

 

 

Humiga na ulit ako at kinuha ang maliit kong bible (na lagi kung dinadala tuwing bumbyahe ako). Habang nasa kalagitnaan ng pag babasa ng chapter 24 ng Matthew biglang nag brownout.

 

"nag brownout na talaga, ta*!"

 

Ineexpect ko talagang mag ba-brownout. kinapa ko ang cellphone ko para gawing flashlight at tuloy sa pagbabasa hanggang chapter 25.

 

At nangyari na rin ang inaasahan ko--nawalan na rin ng signal ang cellphone ko (TM).

 

Isa na lang ang iniisip ko na hindi pa nangyayari na sana wag mangyari:ang tangayin ang boarding house o matuklap ang yero o magiba ang plywood na sinasandalan ko.

 

Akala ko isang masamang panaginip lang yun. Sa kabaliwan ko, kinagat ko ang daliri ko. Nakaramdam ako ng sakit.

 

"totoo, hindi ito panaginip"

 

 

Inisip ko na ang mga gagawin ko. Kinahua ko na ang emergency whistle , safety knife at lighter na may flashlight-- nilagay ko lahat sa bulsa ng jacket ko(ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at nagbaon din ako ng topps, emergency food xD).

 

Nag hanap na rin ako ng ligtas na area ng bahay...sa ibaba -sa banyo. Kapag lalo pang sumama ang panahon, dun na lang muna ko.

 

Naisip ko ring kumatok sa kalapit na boarding house, pero mas delikado kung lalabas pa ko , iniisip ko baka tamaan ako ng lumilipad na yero o tangayin ako ng malakas na hangin.

 

 

Maya-maya narinig kung may nag mamartilyo sa likod, sinilip ko.. Inaayos ni manong ang haligi ng maliit nilang bahay.

 

Maya maya rin, narinig kung may kumakatok sa kabilang bahay.

 

Nakakapagtaka rin dahil may naririnig pa kong ingay ng motor o pedicab, mejo malayo pero alam ko ingay yun ng sasakyan.

 

Pinakikinggan ko ng mabuti ang nangyayari sa paligid ko.

 

Nasabi ko sarili ko, start na ata ng end of the world...

 

 

 

Ang hirap talagang mag isa--malungkot... at mas mahirap mag isa, sa panahong may kalamidad.

 

--oOo--

 

 

5:02am parang hindi na ata liliwanag. Napapagod na rin ako sa pag aalala, kaya napag desisyunan kung bumalik ng tulog. Bahala na, natulog ako na parang normal at walang nangyayari. Iniisip ko nun- bahala na... kung oras ko, oras ko na.

 

8:03AM nagising ako.

 

"buhay pa ko...yes!"

 

Lumabas ako, tinignan ko ang paligid. Parang inararo ang mga puno, may mga ligaw na yero na nilipad kung saan...mga nagkalat na damit.,at loose wires.

 

9:16AM

 

Nakaramdam ako ng gutom,pero mas gusto kung mag kape.

 

"tama, brownout! Pano ko pakakapag init ng tubig at makakapagsaing?"

 

kaunti na rin ang uling, "may bukas pa kayang tindahan ngayon na nag bebenta ng uling o pagkain? Malamang wala"

 

May konting kanin pang natira sa rice cooker, kinain ko at nilagyan ng konting asin…(okay na yun para tumahimik na ang tyan ko)

 

Oh sige, kawawa naman ako noh? xD

 

--oOo--

 

Makulimlim at uumulan pa rin, pero Kumalma na rin ang panahon.

 

Buhay pa ko, pero kumusta kaya ang iba?

 


Rss_feed